Bigtas.

Posted by Maane Simpas | Posted in | Posted on 3:33 PM

Kahit Havaianas pa ang chinelas mo, hindi ito garantisadong ligtas ka sa bigtas.



Ito na ang ikalawang pares ng Havaianas ko na nasira. Yung isa, ang haba ng storya nun. Pero ang alam ko, tumagal din ng isang taon yung gold pair ko. Gustong gusto ko sanang mag sulat tungkol sa gabing iyon ngunit napaglipasan na ata ng panahon at nawala na ang interes kong mag sulat pa.

Pagdating ko ng bahay kaninang umaga, agad kong hinanap yung unang pares kong nasira. Pero ang sabi ni Lenlen, tinapon na daw yun ni nanay. Sayang, gusto ko pa naman sanang kunan ng picture yon at isali sa mga Havaianas-related contests. Haha.

Anyway, itong glow-in-the-dark pair ko eh binili ko nung February this year. Hindi ko nga masyadong nagagamit yan pero ewan ko bakit bigla na lang nabigtas. Sabi nga ng nanay ko, sa sobrang kakagala ko yan kaya madaling nasisira at hindi nagtatagal ang mga mamahaling tsinelas. (At sabay na din sabi na bibilhan nya na lang daw ako ng limang pares ng mumurahing tsinelas sa downtown.)

So ewan ko ba. Nakakapanghinayang talaga lalo na't sarili kong pera pinambili ko dun. Mabuti pa nga sigurong wag na muna akong bumili ng Havaianas. Sayang eh.

Comments (0)

Post a Comment